May mga pagkakataon na kapag gusto natin ang isang bagay, darating ito sa point na gagawin mo ang lahat para makuha mo ito. Lahat-lahat as in lahat ng paraan, pag’’papasensya, pag’unawa, pagbabalanse sa bawat sitwasyon, pagbibigay ng sympathy kahit alam mo sa sarili mong ikaw ang biktima ng sitwasyon, lalo na yung pagpapaubaya at forgiveness sa ginawa nyang kasalanan gaano man yun kalaki.
Kaya lang, hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha mo ito, minsan kailangan talaga naten pakawalan ang mga bagay kahit gaano man naten ito gustong hawakan. Sabihin na lang natin na kailangan mauntog na tayo para magising sa kung ano ang totoo at dapat natin paniwalaan. Lalo na kung sya na mismo ang bumibitaw sayo.
Madalas nga napupunta pa yun sa point na gusto na natin putulin ang buhay natin. Tama… yun na ang gusto kong sabihin, ang magpakamatay. Kasi sa sobrang sakit hindi mo na maramdaman sa sarili mong nabubuhay ka pa. Sa sobrang sakit di mo na maramdaman sa sarili mong nahihirapan ka na.
Pinapabayaan ang sarili, hindi kumakain, natutulog, sobrang pag-iisip at pagpapakamartir na kaya pang isalba ang relasyon. Isa lang ang tanong ko dyan, sya ba kahit minsan nakitahan mong nag’alala para sayo?. Sa lahat ng mga nararanasan mo, nagkaroon ba sya ng konteng concern? Huwag kang tanga! Dahil sya di nagpakatanga para sayo.
Isipin mo na lang isang masamang panaginip ang lahat. At habang naghihintay ka, isang araw malalaman mo na lang na nagising ka na pala. Magpapasalamat ka pa sa sarili mo na buti na lang hindi ka masyadong nagpakababa para sa kanya, kasi di mo mararating ang goal mo.
Simpleng bagay lang naman yan, pero sasabihin ko sayo, sobrang hirap gawin “kalimutan at magpatuloy”
Kalimutan mo na, dahil ang pagtatago ng isang bagay na dapat nang ibasura din na yan kaya pang i-recycle. Hindi yan bote at plastic na kaya pang lutuin at ibalik sa dating figure. Mahirap ng ibalik sa da’te ang bagay na wasak na.
Magpatuloy ka dahil kung hahayaan mong manatili sa lugar na yan, ikaw din ang magmumukhang kawawa. Ikaw na nga itong iniwan magpapakita ka pang talunan.
Sa prangka’’han na usapan forget and move on kasi hindi na sya mabalik, hindi na ikaw ang gusto nyang makasama. Huwag mo ng isipin na magyayari pa ang mga pangako nya sayo, sa future nyo, sa mga pagpapa’’asa nya na magkasama kayo habang buhay. Nakakasiguro ka ba na ikaw lang ang sinabihan nya ng mga salitang yan?
Ilan na bang tao ang dumaan sa kanya? Ano sa palagay mo?
Kung ano ang dami ng mga stars sa langit ganun din halos ang populasyon ng tao. At sa bilyon-bilyong tao na yon, imposible naman na di ka na magkita ng isa. Kung ang mga may asawa nga nagkakaroon pa ng kabit, ibig sabihin lang nun sumusobra pa nga di ba?
Magpakatatag ka lang. Ang tao na umaasa sayo, naniniwala na hindi ka mababaw na taong sisirain ang sarili mo para sa mga walang kwentang tao na hindi marunong magpahalaga sa taong kaya silang tanggapin an0’t ano pa man ang bahong meron sila…….andyan pa rin ang pamilya at mga kaibigan mo para damayan ka. Ubusin mo na ang mga luhang pumapatak sa mga mata mo. Kung gusto mo pa rin umiyak at wala ng lumabas, uminom ka pa ng maraming tubig, hindi naman mauubos ang tubig, isipin mo na lang kung gaano kalawak ang dagat sa mundo. Hindi naman siguro ganun kalawak ang maiiLuha mo, i-lahat mo na para isang bagsakan na.
Don’t try too hard. Don’t make your life look misery.
Lahat ng bagay kahit paglaanan mo pa ng sobra-sobra, kulang pa din. Hindi naman nako’kontento ang tao. Sabi lang nila yun pero mamaya makikita mo na lang marami pa silang mga bagay na gusto nilang bilhin. Kaya nagkaroon ng inventor
Kung kaya ka nyang ipagpalit sa iba. Sya pa kayang hindi makaranas na ipagpalit at iwanan. Huwag kang magagalit, lalong wag mong ipagdasal na mangyari yun sa kanya, ikaw rin ang matutukso na malaman pa ang mga bagay na nangyayare sa kanya, tapos pag nakita mo na free na yung tao, magpapaka’’super hero ka jan na i-rescue sya. Walang bayad sa mga super’hero at martir.
Masaya sya ngayun…tama yun…malamang di yun malulungkot kasi may kapalit ka na. Hindi sya na’ubusan. Paano na lang kung yun taong pinuntahan nya, sya pala yung taong di sya kayang pag’tiisan, pag bumalik yan sayo isa lang ibig sabihin nyan at wag na wag kang mabigay. Bakit? Kasi tulad ng paggamit nya sa pangalawa nya para masagot yung pangangailangan nya, same purpose lang ang gagawen nya sayo. Isa ka lang gamit, gagamitin pag kailangan at pag alam nya na pwede ka pag’chagaan, pero pag may nakitang bago, ilalagay ka muna sa isang tabi kasi nakakasiguro sya na dun ka lang….na hindi ka aalis. Hindi ka naman pagkain at bangkay na pwede lagyan ng preservative.
May papalit dyan…Promise!!
Akala mo lang wala, dahil sa ngayun sha pa ang laman ng isip at puso mo. Subukan mo lang yan tanggalin ng kahit konte, tingnan mo next time, wala na din yan. Huwag ka agad maghahanap ng kapalit sa kanya, huwag mo syang gayahin. Nagalit ka nga sa kanya dahil sa ginawa nya sayo, so? Pag ginawa mo yun, it means galit ka na rin sa sarili mo…
Hindi kailangan maging malabo sa kanya ang lahat, dahil kung naging malinaw sa kanya ang pagmamahalan nyong dalawa at ganun ka kahalaga …. Hindi ka nya magagawang iwan.
Hayaan mong maghilom….at dumating ang tamang time….
Magiging Masaya ka ulit…..yun ang totoo…God loves you,he created you from his own reflection.^^
SANA MAY NA’INSPIRE AKO….FOLLOW ME ON MY BLOG http://jhovyblog.blogspot.com/


