Sa loob ng dalawampu’t isang taon, isa sa pinakaseryosong karanasan na di ko malilimutan ay noong naglayas ako ng bahay.
December 2005, Fourth year high school, 16 year old pa lamang ako, inaamin ko naging makitid ang isip ko sa maraming bagay. Hindi ko maintindihan kung saan nagsimula lahat ng dahilan para umabot ako sa ganun, pero sa naaalala ko nasa stage pa lang ako ng “ denial and acceptance “. Nag’’iisa akong babae sa magkakapatid…bunso… naging bunso noong di pa pinapanganak si totoy (sya na ang bunso namin ngayun). Twelve years ang pagitan naming dalawa. Nasanay ako na buo ang atensyon na binibigay sa’kin ng parents ko, lalo na ang tatay ko. Daddy’s girl siguro ang tawag dun, pero ayoko naman isipin na ganun talaga ako. Well? Nasa denial ako dahil sinasabi ng isip ko na iba pa rin ang bunso sa nag’’iisang babae…acceptance naman dahil dapat kong tanggapin na malaki na ako at napakababaw lang na dahilan yun.
Nasundan pa yun noong malimutan nila ang birthday ko, December 3, the same year kung kelan yun nangyari. Excited akong gumising noong umaga kasi nga “it’s my day”, pero natapos ang buong araw na di nila ako nabati, di ko alam kung sinadya ba o dala ng pagka’’busy nila…ang ulam pa namin sa hapunan ay bagoong at isda. Hindi naman sa nag’’iinarte ako sa ulam, aminin man na’’ten o hindi naghahanap din tayo ng something na masarap sa birthday di ba?. Naging ok pa ako pagkatapos ng araw na iyon. Pero… after a week, medyo na’’late ako ng uwi galing sa school inabot ako ng sermon ng tatay ko. Na’’sermonan ako hindi dahil sa curfew hour, rather dahil ng bunso namin. May inuutos sa akin noon si tatay, para yun kay totoy,kasi may gusto sya pero tinatamad naman sya na kunin yun, siguro wala pang 5 minutes bago nya yun nasabi…agad nang napagalitan ako. Mali ako kung sa hindi kaagad pag’response, kaya lang nagpapalit pa lang ako ng damit noon, tapos parang over naman na pagalitan ako ng sobra to the point na maghagis sya ng unan sa’’kin.( hagis na di naman pinatamaan, parang wala lang talaga yung bato). Since hindi naman ako sanay na ganun ang treatment, si tatay pa ang gumawa, sobrang nagtampo ako noon. Wala akong makausap at mapaglabasan ng hinanakit. Iba kasi ang sermon ng nanay kumpara sa tatay di ba?
Kahit kasama ko pa sa bahay ang kuya ko (pangalawa), hindi ko nagawang mag’’share sa kanya, mas malapit ako sa panaganay kong kapatid.
Sa parehong araw kung kailan ako napagalitan ng tatay ko, biglang pumasok sa isip ko na mag’impake, napatingin ako noon sa cabinet ko. Ilang oras pa ini’impake ko lahat ng damit ko. Bukod ang bag para sa damit, shorts, garments, pants, mga sapatos at kahit uniform ko isinama ko na sa bagahe. May kaunting pride ako noon, naisip ko kasi ang mga napapanood ko sa tv na mga naglalayas, bumabalik talaga sila. Kaya ako… nag’desisyon ako na ito ang pinili ko kaya dapat panindigan ko kahit mali ang pamamaraan ko. Gumawa muna ako ng plano kung paano makakaalis ng bahay at kung saan ako makuha ng pera para makapag’’byahe ako sa malayo… (nagamit kong pera ay ang ipon namin ng kuya ko 1k yun), nang magawa ko yun nilakasan ko ang loob ko. Mas pinili kong iwan ang cellphone ko sa bahay, pero dala ko ang simcard. Mag’’isa akong naglakad sa daan kalagitnaan noon ng gabi, ang huling tingin ko sa orasan ng umalis ako ng bahay ay alas dose. Blangko ang isip ko noon, di ko alam kung saan ako pupunta. Pero isa sa mga plano ko ay ang hindi pag’’stay sa Mindoro. Para ano pa ang paglayas kung sa malapit di ba? Higit limang kilometro na ‘’ata ang nalakad ko. Bawat madaanan ko at may nagkikita sa akin na tao tinanong nila kung saan ako pupunta. Siguro nagtataka sila sa dami ng dala kong bag, iba pa sa likod sa magkabilang braso at bitbit sa kamay. May napadaan na tricycle, sinubukan ko magtago kasi parang tricycle yun ng tatay ko, pero iba pala, ipinagpatuloy ko ulit. Ilang oras pa may tumigil na tricycle sabi nya bakit mag’’isa ako, wala akong naisagot tapos sabay sinundan nya ng salita kung mapunta ba daw ako ng pier. Napa’’oo na lang ako, sinagot ko sya na wala akong masakyan kaya naglakad’lakad na muna ako. Di ako mapaghinala sa tao ng mga oras na yun, kaya nakisakay na ako. Tapos nagka’’kwentuhan kami habang nasa daan. Hindi ko sinabi ng totoong pangalan ko, pero nasabi ko sa kanya ang tungkol sa paglalayas ko. Naawa sya sa akin, sabi nya pupunta sya ng pulis para mag’report… ang sabi ko naman tsaka na lang nya yun gawin pag nakakaalis na ako. Sinunod naman nya yun, at nang nasa pier na hindi na nya ako pinagbayad. Binigyan pa nya ako ng 50 para daw sa pagkain. Kinuha na din nya cellphone number ko para maitext nya ako kung ano na ba ang nangyare sa’kin. Kaya lang wala naman akong cellphone. Nagpasalamat ako sa ginawa nya, kahit paano may mababait na tao pa rin talaga sa mundo.
Nang nasa barko na ako. May pasahero din ako na nakausap. Gusto nya akong isama sa Iloilo. Babae iyon nalaman nya nangyari sa akin at gusto nya akong ampunin. Dahil sa ayoko, tumanggi ako. Wala na talaga ako maisip na puntahan pa, pero di dapat ako basta madala sa mga ganoon. Nang nasa kalagitnaan kami ng byahe may dumais na lalaki sa’kin, napansin nya daw kasi ang gamit na dala ko, at sa edad ko ng mga panahon na yun imposible naman ‘atah na payagan ako ng magulang ko na mag’byahe sa dis’oras ng gabi. At tulad ng nauna kong mga nakilala nalaman nya din ang totoo, inalok nya akong mag’noodles…nagugutom ako ng time na yun kaya hindi na ako nakatanngi. Habang nagku’kwentuhan kami, nalaman ko na sya pala ang kapitan ng barko. Sa dinami’dami ng makakausap ko, talagang sya pa ang nakilala ko. Nang makadaong na kami, sinabihan nya ako na mag’ingat. Tumambay muna ako sa pier ng Batangas, di ko kasi alam kung saan ako pupunta. Nang makalingat ako, nakasabay ko pala sa byahe ang taga’sa amin. Napansin nya ako, kaya nagtago ako at tumakas, basta na lang ako sumakay ng jeep, sakto naman na papunta ito ng bayan. Nag’desisyon ako na pumuntang Bicol. Sabi nga nila, ang pinaka’safe na puntahan ay kapamilya mo din. Nagdalawang isip pa ako noon na pumunta ng Maynila, kaya lang alam ko naman na di ko pa kayang mamuhay mag’isa sa ganun kalaking lugar. Sobrang bata pa ako noon at baka mapahamak lang ako. Gusto ko rin magpatuloy ng pag’aaral, sigurado naman ako na pag’’aaralin ako ng tiya ko (kapatid sya ng nanay ko)
Sakay ako ng bus diretsong Bicol. Medyo maliwanag na din noon. Iniisip ko na, di na ako pwedeng bumalik pa. Maraming tanong sa isip ko. Tulad ng : alam na kaya nila na umalis ako ng bahay? Ano kaya iisipin ng family na pupuntahan ko ngayun? Masama kaya ang iisipin ng mga tao sa parents ko dahil sa paglayas ko? At ang huling tanong sa isip ko. May kahihinatnan ba ang paglalayas ko?
Sobrang blangko ang isip ko noon. Hindi ko nga napansin na kinakausap na pala ako ng katabi ko. Siguro medyo magkalapit lang kami ng edad. Byaheng Camarines Norte sya, ako naman byaheng Camarines Sur. Isa pang gumugulo sa isip ko ay kung saan ako mababa. Elementary pa lang ako nang huli kami pumunta sa Bicol at baka maligaw ako. Inisip ko na lang ang lahat ng lugar na nadaanan namin noong huling punta na’min.
Sa awa ng diyos nakarating ako ng safe. Maraming nagulat sa pagdating ko. Nagpunta dun ang lolo ko. Lahat ng tito ko. Andun din ang paborito kong tito na sobrang naghinanakit sa ginawa ko, di daw yun maganda. Naiyak lang ako sa harapan nila. Nalaman lang nina nanay at tatay na nasa Bicol na ako noong tinawagan sila ng mga pinsan ko.
Lahat sila napatahimik. Sobrang nasaktan ko ang maga magulang ko, ga’’nun din ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ako makakain ng ayos sa bahay ng tita ko, kasi parang isang kaban ng bigas ang sakit na nararamdaman ko. Kinausap nila akong lahat, kahit ang lolo ko natatawa sa ginawa ko. Naging tingin nila sa’kin ay spoiled kahit hindi naman talaga. Sabi ko na lang sa kanila na ayokong bumalik ng bahay. Kaya sa pangatlong araw ko doon, ay ini’’enroll agad nila ako at pinasukatan na ng uniform para daw hindi ako mahuli sa klase. Pero di ko alam na lagi pala magkausap sa telepono ang parents ako ang tita ko. Mabait ang tita ko, pero sinabi ng tatay ko na kung di ako ibabalik, magkakagulo daw.
Nang kausapin ako ng lolo at ng mga Tito’Tita…sabi ko ayaw kong bumalik ng bahay. Natatakot ako, dahil hindi ko alam kung paano magsisimula.Ilang araw pa tumawag na ang panganay kong kapatid, napasok pa sya noon ng kolehiyo sa Batangas, sabi nya sa’kin susunduin nya daw ako pag hindi ako umuwi.
Tahimik lang ako sa loob ng mga araw na nasa bahay ako ng pinsan ko. Nag’usap-usap sila na palihim, at para sa ikabubuti ng lahat, ang mas mabuting gawin ay umuwi ako ng bahay. Pero para pumayag akong umuwi, dapat kasama ko pa’Mindoro ang Tito at Tita ko (kapatid sila ng nanay ko). Kinausap muna ni lolo ang parents ko sa telepono, matapos nun lumuwas na kami pauwi.
Maraming mga matang nakatingin nang umuwi ako ng bahay, pumunta lahat ng pinsan ko at kung sino-sinong kaibigan. Abot ang tawag sa cellphone at bisita sa bahay. Di nila akalain na magagawa ko yun. Mabuti na lamang daw hindi ako napahamak. Naiyak ang parents ko, pero para hindi ko yun makita nagkulong muna ako ng kwarto, pumunta ang pinsan ko sa kwarto at tinanong lahat ng nangyari. Sabi nya sa akin wag ko daw yun uulitin, kung may problema man ako, matuto daw akong magsabi. Sa kanila na lang ako pumunta pag napapagalitan ako. Pinigil ko ang luha ko that time. Sobrang nanghihina ako sa pagod physically and emotionally.
Ito ang isa sa karanasan na di ko malilimutan. Maraming tao ang nadamay. Hindi pa nga yan kompleto, mahirap i’ collaborate lahat ng nangyari. Pero nang nasa bahay na ako, almost a month bago umuwi ang tito at tita ko sa Bicol, madalas silang magkakausap nina nanay at tatay. Mula noon, pag bagong gising sila sa umaga iche'check muna nila ang kwarto ko para malaman kung hindi ba ako umaalis Nakakatawa dahil hanggang ngayun ginagawa pa rin nila yun at pag napapagalitan ako medyo nag’ko’control na sila, parang reminders na lang ang nangayayari. Pero syempre yung respect ko sa kanila hindi nawawala.
Nahirapan ako ibalik ang bond na’men, pero maganda naman ang naging result. Nagkaron kami ng closeness. Totoo ang sayings na after ng hardships sa family nyo, chaka lamang nabubuo ang deep closeness dahil naa’appreciate nyo ang presence nyo sa isa’t-isa.


0 comments:
Post a Comment