Monday, October 17, 2011
isang malaking pagkakamaLi....
Di naman talaga malaking deal na makasira ka ng isang gamit. Pero yung makasira ka ng gamit na hiniram mo lang, at iniingatan ng kapatid, ay isang malaking MALI…. Maybe? Sobrang galit sha sa akin ngayon, kasi sa totoo lang sa ganitong sitwasyon di magandang sayangin mo yung tiwala na binibigay sayo ng taong nagtiwala talaga sayo, kahit sa simpleng gamit man ito o hindi.
Nangyari ang lahat sa panghihiram ko ng cellphone. Bakit ako nanghiram?, kasi sira ang cellphone ko, naisip ko lang naman na habang malayo ako, at malayo sa bahay kapag nagtext sila sakin malalaman nila kung anong mangyayari sa akin. Alam ko naman na di sila gaanong nag-iisip pag aalis ako, di tulad ng mga kapatid ko, kapag sila ang umaalis lagging nagtetext sina nanay at tatay kung kamusta na ang byahe, nasaan na at anong oras ng mga sinasakyan na trip.
Kapag kasi ako, halimbawa umalis ng bahay, ako na lang ang nagtetext na andun na ako sa lugar na yun at hindi na sila magtatanong. Hindi ko naman hinihiling na maging magkapareho ang treatment sa amin magkakapatid, sa aking palagay ang pagsasabi ng mga bagay na aking nakikita ay hindi naman masama, hindi ito nangangahulugan ng negatibong palagay maliban na lang sa mga taong alam ang punto ng aking sinasabi sa mas simpleng paliwanag.
Yun ang pinagsimulan ko ng reason kung bakit humiram ako ng Cellphone, yung ginagamit ko kasi, lagging namamatay at nalo’lowbat. Paano kung emergency, tapos nasa malayo ako paano nila malalaman na mayo ang aking kalagayan. Kahit papaano, inaalala ko rin kung ano ang safe na paraan.
Sakaling yung sira ang gagamitin ko, baka yung tipong gusto ko ng sumigaw ng tulong di ko pa magawa kasi wala akong matawagan.
Sa aking nakikita, maikli lang ang buhay para hindi magkaroon ng dahilan na ingatan mo ito.
Tanong……….. Bakit ba ako luluwas mula Mindoro patungong Batangas?
Kasal ng isa sa pinaka’mabuti at mlapit kong kaibigan. Kahit sino ay hindi makakatanggi kapag inimbitahan ka ng malapit sayong puso sa pinakamahalagang araw ng kanyang buhay. At iyon ang aking pakay, dahil isa na din ako sa kinuh nyang abay… hindi ito simpleng abay lamang, it only means na nais ka nyang makasama ka sa isang event that she will cherish always and forever. Kasal kaya yun, kahit naman ako magtatampo kung sa araw nay un tatanggihan pa ako ng mga kaibigan ko.
Ang cellphone ng kuya ay sa Japan pa nya nabili, original ang pyesa, kahit palitan at ipa’repair ko pa, di na yun magiging tulad ng nauna. Isang mahalagan value dahil yun ang kauna-unahang souvenir nya sa unang taon ng kanyang pagta-trabaho overseas as a Seaman. Sa countries ng Japan, Russia at Korea.
Kahit naman ako, aminado na magagalit pag nalaman ko na ibang tao lang ang sumira ng gamit na binibigyan ko ng value di ba.
Hay sobrang lungkot ko, siguro kasi, alam mong di mo naman talaga gusto ang nangyari pero heto, nagiging mapaglaro talaga ang panahon sayo.
Nais ko mag’sorry sa isang aksidente na kahit hindi ako ang may kasalanan (hindi talaga ako ang nakahulog ng cellphone sa dagat… isang accident ang pagkakasanggi sa akin….), pero kahit ganun, ako pa din ang pinaka’MAJOR”major’ as Venus Raj tagline says…. na responsible for the damage. Dahil ako ang humiram ng gamit.
Syempre natural na makakarinig ako ng masasakit na salita. Tulad ng di na nya ako papahiramin ng kahit na anong gamit, kasi nagpapabaya ako… if ganun na nga, sige ok lang.
Just a thought? Mas mahalaga ba ang gamit sa akin? Di namana talaga sira yung cp eiii… pwede pa sha maayus dahil napalinisan ko na yun kaya lang pag aayusin ng buo kinabukasan pa ang aking uwi.
Itutuloy ko yung thought ko….. what if mangyari yung napapanaginipan ko na maiipit ako sa isang aksidente tapos nagkataon na di ako nakatawag kasi sira ang cp ko, at dahil wala akong cp?....ewan ko ba…
Mahalaga pa din ba ang gamit kesa sa buhay? Yung paraan na gusto mong ipaalam sa kanila na nasa maayos ka, since aayaw din naman ako ibili ng bagong cp ng parents ko.
Ang gulo naman talaga…. Parang ayoko na mag cellphone kung ito lang yung dahilan na magagalit ang kuya ko. Sakaling mapapahamak ako, at hindi ako nakahingi ng tulong, ok lang yun sa akin, unlike this na nakakarinig ako ng mga bagay na akala ko di nya masasabi sa akin,…. Di naman ako galit or naghihinanakit, mas gusto ko lang tahimik ang lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment