June 13,2010
Disgrasya ang araw na’to sa’ken….hehe
Di ko alam kung dapat ba akong matawa….Syempre maaga pa lang lantutay na’ko kasi madaling araw na’ko natulog tapos inagahan ko ang gising ko para hindi ako mapagalitan. Maririnig mo pa yung kapitbahay mo na madalas nagsisigawan, ganun na talga sila ehhhh…hobby bah….mapabahay at kapit’bahay parehong maiingay..kakarindi….kaya tameme na’ko pag minsan..wag lang aabutin ang limitasyon ko, talagang masabog..wehehe..
Tapos nagawa ko naman ng ayos ang mga gawain ko, pag vacant ako inuutusan ako ng nanay. Napagsampay nya ko ng mga damit nila na nilabhan….damit lang nila kasi hiwalay lagi ang damit ko, ahahhhhh ganun talaga, di ko din alam..tapos 2pm n ata ako naglunch hindi pa’ko nakaka’breakfast…
Ngayong hapon, after ko magtiklop ng mga sinampay, inantok a ko, kaya inihiga ko muna katawwan ko, naiisip ko ang friend ko, naaawa ako taz sad sa kanya, dami kasing nagalit sa kanya dahil lang sa ex-boyfriend nya nai’break nya kasi hindi marunong mag-handle ng relationship.Fr me, di pa sila parehong mature kaya siguro naisip na din ng friend ko na mgbreak na sila, di sila mapanagpo. Isa pa sa kinakagalit sa kanya was the wrong expeculation. Ewan ko..kung kelan magkakalayo na tsaka ini-open nug nagagalit sa kanya yung feelings nya sa friend ko. All I know, naging totoo ang friend ko sa pakikisama, what hurts was hindi pala sila nagin totoo sa friend ko. Madalas pa naman na sa kanya nag’she-share yung friend ko at umiiyak tapos in the end malalaman nya na lang na ganun….I really feel sorry for my friend….nagayon pa na ma’transfer na nga ng school…..Sabi ko na lang sa kanya hayaan mo na lang muna ang mga taong umaalis, isipin mo nalang kung sino yung mga tao na hindi ka iiwan..kahit ako di ko sure kung mag-i-stay ako sa kanya, kasi tulad ng mga good friends ko nung highschool nawawalan na’ko ng time for them, sa part ko lang, hindi ako nakakalimot at nagiging malayo na masama ang loob kasi ang maganda nun pag nagkita masaya di bah………
Anyway andito pa din ako sa bahay, hmmm etoh habang nagluluto ako kanina napso ako ng kawali….tapos ngayong pang-dinner na food, di ko pala nalagyan ng spices ang niluto ko, wala tuloy lasa…before pa nun ha, habang kinikuha ko ng food ang kapatid ko, nakabasag ako ng plate, mejo maliit lang….tapos nasugatan ako sa kamay….pinuntahan ako ng tatay ayun nasabihan na ulit ako,..after nun magpe’prepare nako ng food nila, nakabasag ulit ako for the second time,!!!....yung bulusan ng rice naman…napgalitan na talaga ako, nung kumain pa sila walang lasa ang pagkain…
Talagang puro sablay, tapos hindi na nga ako sumabay, balak mag’ju’juice na lang ako, pagtingin ko naman sa pack yung laman matigas na…..hayyy gutom na din ako, kaya yung chicken na lang ng kapatid ko ang inulam ko, yung tira huh, tapos nung nakain na’ko,after nila makatapos, sabi sa’ken ng nanay bakit daw hindi ko ulamin ang niluto ko na walang lasa….Ang sakit nya magsalita noh?...mainit talaga dugo nya sa’ken kahit kelan, minsan naman okz lang..nilambing nga sya ng tatay kanina, ssbi ba gah ke tay, naku wag mo’ko ganyanin….haykkzzzz galit masyado sa pera, hindi mo naman masisisi….
Hindi na’ko magtataka kung bakit nagiging tahimik na’ko…tapos nawawalan ng gana pag andito sa bahay…..kasi much better pa na wala masyado hindi ako nakaka’gulo sa tahimik nilang life…pag andito kasi ako..kahit san ka tumingin lahat ng mali ako ang may dahilan,,at ako naman nga..hehe…
Kaya nga ini’enjoy ko na lang sarili ko sa panonood ng tv…..napanood ko yung super screw, winner sila sa America’s Best Dance Crew..tapos Iron chef…Filipino sila pareho..think of it?...nakikilala ang Philippines sa mga taong tulad nila…may pag-unlad…bonnggggaaaa,,,

0 comments:
Post a Comment