June 12, 2010
Hm eto habang walang ginagawa, I tried na magsulat muna….many days have pass..hanggang ngayon parang lahat ng gagawin ko na mali connected pa din sa pagiging failed ko. I think foour days na din akong pinapagalitan tuwing umaga, I know kasalanan ko kasi di ako gumigising ng maaga, hindi kasi ako makatulog sa kakaisip kung bakit kailangan na dumaan pa ko sa ganito..parang on purpose na nga lahat…pero kahit naman tanghali na akong gumigising, ginagawa ko naman lahat ng housechores..pero alam mo ba na, kapag pinapagalitan nila ako, sinasabi nila na wala akong alam na gawin..walang mangyayari sa’ken kaya ako bumagsak…”hayop”..”lintik”….hindi anak ang tawag…maganda-ganda na atang tawag sa’ken “Bae..” short for babae…Pero hindi naman ako naghihinanakit kung yun man ang itawag nila sa’ken pag nagagalit sila, ang sa’ken lang yung pagkabagsak ko thesis hindi nila kailangan sabihin na nagpabaya ako, hindi naman ako nagkulang. Alam mo..hindi ako nagagalit sa mga naging prof ko, hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob, pero sana yung consideration naibigay man lang nila, at yung pagpapadama nila ng humiliation sa student, iba na….aalis ako ng Divine na iba ang tingin sa’ken ng mga naging teachers ko….I can’t please anybody, kung naging ganun man sila, I can’t blame them…Syempre we will not fight if we know that we are wrong, pinapaglaban lang namin yung work na ginawa ng group pero hindi pa din yun worthy sa kanila……It seems na mataas na yung tingin nila sa kanilang sarili at nakakalimutan na kahit paano may pagkakamali din sila….ang mga reason namin hindi yun paninisi na tulad ng kanilang pinapalabas…if they were on our position they would probably do the same….hindi kabagsak’bagsak ang ginawa namen, tulad ng ginawa nilang decision.
At dahil dun parang naging damay na ang life ko dito sa bahay…..iba na yung treat…Aaminin ko na sa’men magkakapatid, ako ang pinakaiba ang treatment, siguro naging busy lang sila nitong huli….Pagdating kasi sa mga kapatid ko na lalaki, madalas nagtatalo pa sila kung bakit hindi nagtetext..at ang nakakatawa pa nga pag umaalis ako ng bahay naagkukusa pa akong mgtex sa knila at ng’we’wait ako ng reply,..”k” lang ang mare’receive mo…tapos nagyon pag nahihirapan sila sa trabaho, ginagawa daw nila yun para sa’ken, yun daw ata ang hindi ko naiintindihan,,,hirap na hirap na daw sila dahil sa’ken para sa pag’aaral ko…napapagod sila dahil sa’ken…Pansin nyo? Lahat2 ng paghihirap nila dahil lang sa’ken, hindi damay ang mga kapatid ko. Hindi nila napansin na pare-pareho lang yung ginastos nila para sa’men, nagkataon lang na mukhang madami kasi ako ang pangtatlo,na tipong lahat ng ginastos nila saken lang lahat napupunta..
Ang masakit pa nga, madalas nyang sinasabi kailan pa ba daw ako makakaisip na tumulong sa kanila..kailan lang ba nakatulong ang mga kuya ko. Ngayon na nakaalis na ang kuya ko agad-agad nila akong paghahanapan…Samantalang tumigil ako ng isang taon kasi magastos ang nautical course ng kuya ko…habang nag’aaral na’ko ng college nakasuporta pa rin sila sa kuya ko kahit tapos na sya ng college.
Tpos pag hihingi ako, magtipid’tipid daw ako kasi sa’ken na lang napupunta lahat ng pera….Ano ba yun? Manyapat ako ang nasa bahay, sa’ken lahat?...i mean hundred perc ent bang sa’ken?
Hayyy…ewan ko ba, hindi ako nagagalit sa kahit na sino, kahit ganito….
Ang sa’ken lang, pag salita na ang ibinabato sa’ken dun ako hindi makapag’control…lalo pag galing sa magulang mo…

0 comments:
Post a Comment